Linggo, Agosto 4, 2013





             
                Ang Buwan ng Wika ito ang panahon  kung saan pinagdiriwang natin ang ating pambansang wika.Ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika dahil sa pamamagitan nito ay nagkakaroon tayo ng pagkakaintindihan,o pagkakaunawaan sa mga bagay na nasa paligid natin.
             
                Mahalaga ang wika para sa ating mga Pilipino dahil ang wika ang naging daan ng pagkakaisa noong sinakop tayo ng mga kastila at ng iba pang dayuhan.Naging daan din ito sa pakikipagkomunikasyon nila para sa mga plano ng mga katipunero para sa pagsakop o paglaban sa mga kastila.Ang wika ang nagsisilbing tagapagbigkis natin upang magkaisa at makipagkomunikasyon sa bawat isa.Daan din ito tungo sa pagkakaintindihan nating lahat.Ang wika natin ay pinagkakalooban ng isang tema "Wika natin ang daang matuwid".Ang temang ito ay ang kapangyarihan ng Wikang Filipino na tumatagos sa iba’t ibang sektor ng lipunan at sa lahat ng uri ng pamumuhay. Nananalig ang KWF na sa kabila ng pagkakaiba-iba ay nagkakaisa tayo dahil sa wikang Filipino ang tinig ng ating kultura, kasaysayan at pagkatao. Dahil sa ating pagkakabuklod, ito ang isa sa mga kasangkapan tungo sa bisyon ng matuwid na daan ng dangal at kaunlaran.Pinakatampok sa Buwan ng Wika ang pambansang kongreso sa wika na a bawat taon ay ginaganap Agosto 19 hanggang 21. Ang kongreso ay inaasahang daluhan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larang upang talakayin ang mga napapanahong isyung kinakaharap ng wikang Filipino at mga kapatid na wika nito sa bansa. Nagtipon din ng mga programa at proyekto ang KWF para sa pagdiriwang sa taĆ³ng ito sa paglulunsad ng opisyal na Pambansang Programa, mula sa iba’t ibang mga pamantasan sa buong Filipinas. Kasama na rin sa hanay ng mga programa ang timpalak sa pagsulat na Gawad KWF sa Sanaysay at ang parangal sa Dangal ng Wikang Filipino na kapuwa taon-taong nagpupugay sa mga indibidwal na nag-ambag para sa pagya ng wikang Filipino.

              Tayong mga Pilipino kailangan  natin tangkilikin ang sariling atin sapagkat dito tayo kumukuha ng lakas at tagumpay.May kasabihang"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.".Sapagkat marami sa mga pilipino ay hindi gumagamit ng ating pambansang wika marahil ay nasasanay na sila sa ingles na hindi naman natin salita.May kasabihang ito na dapat natin mahalin ang ating wika sapagkat ito ang ating kayamanan at dapat nating pahalagahan kung kayat ang wikang tagalog ay ang ating kinamulatang salita na ating dala-dala kahit saan mang lugar.